Nitong nakaraan ay ipinaskil ko sa aking Face Book (FB) account ang artikulong Social studies as ‘neutral?’ That’s a myth, and pressures teachers to avoid contentious issues, may petsang Pebrero 9, 2026 na isinulat ni Kevin Lopuck, kandidatong Doktorado ng Faculty of Education, University of Manitoba at makikita sa The Conversation.
Ang aking pagbabahagi ay nilagyan ko ng pahayag na sumusunod:
“Ang isang guro na walang paninindigan ay walang karapatang magturo! Walang puwang ang neutrality sa mga paaralan at pamantasan!”
Isang kapatid sa propesyon, si Sepk Ramiscal ang nagkomento:
Depende naman kasi sa issue kap. Ang goal is gabayan ang mga bata na iproseso ang issue rationally/logically at may maayos na (moral) values. Otherwise, it might result daw to “partisanship” at baka di na makikinig ang bata. Ayon sa pag-aaral, ayaw nila ng “imposing” at “preachy” na teacher. Mas mainam daw ang “deliberative” approach at turuan sila magkaroon ng may sariling paninindigan.
Ang aking tugon:
Tama! Kung ang mga bata na nga ang mismong nagtatanong!
Halimbawa:
Sir/Maam, ano po masasabi ninyo sa flood control controversy?
Sa usapin po ng Red Tagging at/o EJKs?
Sige nga kapatid, tugunin mo at gabayan mo ang mga bata batay sa iyong sagot ay sa ibubunga nitong diskusyon at talakayan?!
SR:
Eh kung sila na miso nagtanong saken directy para malaman nila ang take ko eh tska ko ile-laydown ang aking posisyon tungkol sa issue. On the other hand, pwedeng ikaw na mismo magbukas ng issue at pag-usapan sa klase 🙂
JMD:
Partisan din ba yan bro o neutral?
May neutrality ba sa pagtuturo o sa akademya kapatid?
Matatawag bang guro sa tunay na ibig sabihin ng salita at ng propesyon ang isang guro na hindi partisano?
Ikaw sa personal, bakit ka nasa propesyong ito? Ano ang interes at paninindigan mo?
Hindi na tumugon ang kapatid. Samantalang si kapatid na Dr. Gerardo Lanuza naman ay nagkomento din ng patanong kay kapatid na SR:
GL:
Sepk Ramiscal, Parang di tayo nagbasa ng George Counts, Dare the School Build a New Social Order[1]?
Hindi din tumugon ang kapatid hinggil dito. Samantalang nagkomento din si kapatid na Dr. DC Alviar sa pamamagitan ng pagsipi ng ilang bahagi ng artikulo na pinag-uusapan.
DCA:
“Even the expectation of neutrality is political: choosing not to take a stance is itself a decision with ethical and political consequences. Teachers’ classroom choices, their responses to students, the framing of discussions, the arrangement of the classroom and even the ways they present themselves are all laden with values.
“Expecting teachers to remain neutral ignores this reality and creates a false tension between ‘being impartial’ and fulfilling professional and ethical obligations. Allowing a student’s derogatory or historically false comment to pass unchallenged, for example, is a political choice.”
Tinugon ko si kapatid na DCA,
Eh baka naman ang problema doc bro, natatakot yung guro o prop na kapag itinama o ginabayan o iwinasto niya yung maling posisyon ng bata ay siya pa ang banatan sa evaluation?
Halimbawa, sasabihin nung bata sa Eval[2]: Eh ano ngayon kung tama siya at mali ako? Mali na itama niya ako, kasi feelings ko ito!
Gayundin, baka nangangamba si prop na kung “magtuturo” at “magmumulat” siya ay pag-initan siya ng admin, i.e., ng gagong dean at aso ng dean na kesyo nagmamagaling siya sa pedagogy at advocacy! Ang masama ay di pa regular ang nasabing prop!
Hindi din matatawaran na may ilang mga guro o prop na nag-iingat! Kasi, may satanistang ahensya ka ng demonyong gobyerno na nang-re-red tag! Yan yung hindot na ELCock!
Finally, natatandaan mo doc bro yung kupal na bitch na nagsabi na kesyo may neutrality daw sa unibersidad? Sa tingin mo, may karapatan bang tumuntong sa akademya ang bastarda na yaon?
Ano ang saysay ng mga talastasan at bahagian na ito ng mga pananaw?
Mahalaga para sa aking pagtingin ang mga palitang kuro-kuro na mga ito sa panig mismo ng mga propesor at kaguruan. Hindi lamang sa pinalalakas nito ang pampublikong diskurso (public discourse) hinggil sa edukasyon at pedagolohiya, kundi kinatatampukan din ng pampublikong interes (public interest) at pangkalahatang kagalingan (general welfare) ang usapin.
Himayin natin ang komento ni kapatid na SR. Muli, ika niya:
“Depende naman kasi sa issue kapatid.”
Maliwanag na Social Studies ang subject na pinag-uusapan. Kaya naman, bakit niya sasabihing “depende sa issue”? Malamang na mga social issues ang mga paksa at pag-uusapan/pinag-uusapan. Pwera na lang kung siya ay Social Studies teacher pero Math o Science and itinuturo?
Sa pagpapatuloy niya:
“Ang goal is gabayan ang mga bata na iproseso ang issue rationally/logically at may maayos na (moral) values.”
Wala tayong pagtatalo dito kahit pa may pagka-pastor ang pagkakalatag ng paliwanag. Walang alinlangan na bilang mga guro, ang sentral nating tungkulin ay gabayan nga ang ating mga mag-aaral, lalo na higit upang sila ay matutong mag-isip para sa kanilang mga ganang sarili.
Problematiko sa aking pagtingin ang sumunod na bahagi ng komento ng kapatid:
“Otherwise, it might result daw to “partisanship” at baka di na makikinig ang bata. Ayon sa pag-aaral, ayaw nila ng “imposing” at “preachy”[3] na teacher. Mas mainam daw ang “deliberative” approach at turuan sila magkaroon ng may sariling paninindigan.”[4]
Komento:
Hindi ko maintindihan kung ano kaya ang pakahulugan ng kapatid sa kanyang sinabing “partisanship”.
Direktang tanong:
Ang pagtuturo ba ay hindi partisanship?
Mahalagang balikan natin ang pinagmulan ng salitang edukasyon. Ito ay nagmula sa Latin na educare at educere na ang ibig sabihin ay: “to bring up,” “to feed,” “to train” at “to lead out,” “to bring forth”.
Tanong:
Ano ang ating pinasusulpot? Ano ang ating ibinabahagi? Paano tayo naggagabay? Ano ang ating pinasisilab?
Hindi ba ang sentral na layon ng edukasyon sa pinakaugat nito ay wasakin ang kamangmangan? Ang akto, debosyon, proseso at aktibidad na ito ng deklarasyon ng digmaan laban sa kamangmangan, kadiliman at kawalang kapangahasang mag-isip para sa ganang sarili – hindi ba ang lahat ng mga ito ay partisanship?
Hindi ba ito bias? Si Paulo Freire, partisanship din ba siya? Bago niya, sina Hesus, Mohammad, Buddha, ano ba ang mga ipinagwika at pinagtututuro ng mga guro at mga paham na mga ito?
Partisan din ba sila?
Ito ang kontekto ng aking mga direktang tanong sa kapatid na kung saan ay hindi siya tumugon.
Muli pa, sipiin natin ang aking mga katanungan ukol sa kanyang problematikong komento:
Partisan din ba yan bro o neutrality?
May neutrality ba sa pagtuturo o sa akademya kapatid?
Matatawag bang guro sa tunay na ibig sabihin ng salita at ng propesyon ang isang guro na hindi partisano?
Ikaw sa personal, bakit ka nasa propesyong ito? Ano ang interes at paninindigan mo?
Labis kong pinanghahawakan na: Ang isang guro na walang paninindigan ay walang karapatang magturo! Walang puwang ang neutrality sa mga Paaralan at Pamantasan!
Hinggil sa Mito at Kaputahang Kesyo may Neutrality sa Akademya at Pamantasan
Ayon kay Elie Wiesel:
We must take sides. Neutrality helps the oppressor, never the victim. Silence encourages the tormentor, never the tormented.
Gayong kay Archbishop Desmund Tutu:
If you are neutral in situations of injustice, you have chosen the side of the oppressor. If an elephant has its foot on the tail of a mouse and you say that you are neutral, the mouse will not appreciate your neutrality.
Samantalang nagwika naman pamosong manunulat na si Dante Alighieri:
The darkest places in hell are reserved for those who maintain their neutrality in times of moral crisis.
Simple lang ang punto, ang neutralismo, katulad din ng mga tsismosa/tsismosa, mga sipsip, mga panggap, mga oportunista, mga puta (walang paninindigan), mga bayaran (binaboy na ang propesyon ng edukasyon at ginawa na lamang hanapbuhay), mga duwag (ayaw malagay sa alanganin o panganib[5]) at iba pang mga talipandas at mga dayukdok na katulad ng mga ito ay walang puwang, hindi kailanman dapat papasukin at walang karapatang umiiral sa isang malayang pamayanan at gayundin higit pa, sa isang malayang Pamantasan o sa Akademya sa Kabuuan nito.
Sila ay mga lason, mga tae, salot at basura na dapat iwaski at itapon sa kangkungan ng kasaysayan. Ang masakit na katotohanan, isa sila sa hindi mapapasubaliang kadahilanan kung bakit nananatiling pang-barangay ang kaawa-awang bayang ito, sapagkat sila ay nagpapalaganap ng pang-baryo pananaw at pang-sityong mentalidad!
Hinggil sa Usapin ng Academic Freedom
To quote Justice Felix Frankfurter (November 15, 1882 – February 22, 1965) in the landmark case of Sweezy v. New Hampshire, 354 U.S. 234 (1957) na madalas sipiin ng ating Korte Suprema hinggil sa usapin ng Academic Freedom:
Progress in the natural sciences is not remotely confined to findings made in the laboratory. Insights into the mysteries of nature are born of hypothesis and speculation. The more so is this true in the pursuit of understanding in the groping endeavors of what are called the social sciences, the concern of which is man and society. The problems that are the respective preoccupations of anthropology, economics, law, psychology, sociology and related areas of scholarship are merely departmentalized dealing, by way of manageable division of analysis, with interpenetrating aspects of holistic perplexities.
For society’s good — if understanding be an essential need of society — inquiries into these problems, speculations about them, stimulation in others of reflection upon them, must be left as unfettered as possible. Political power must abstain from intrusion into this activity of freedom, pursued in the interest of wise government and the people’s wellbeing, except for reasons that are exigent and obviously compelling.
These pages need not be burdened with proof, based on the testimony of a cloud of impressive witnesses, of the dependence of a free society on free universities. This means the exclusion of governmental intervention in the intellectual life of a university. It matters little whether such intervention occurs avowedly or through action that inevitably tends to check the ardor and fearlessness of scholars, qualities at once so fragile and so indispensable for fruitful academic labor. One need only refer to the address of T. H. Huxley at the opening of Johns Hopkins University, the Annual Reports of President A. Lawrence Lowell of Harvard, the Reports of the University Grants Committee in Great Britain, as illustrative items in a vast body of literature. Suffice it to quote the latest expression on this subject. It is also perhaps the most poignant because its plea on behalf of continuing the free spirit of the open universities of South Africa has gone unheeded.
“In a university, knowledge is its own end, not merely a means to an end. A university ceases to be true to its own nature if it becomes the tool of Church or State or any sectional interest. A university is characterized by the spirit of free inquiry, its ideal being the ideal of Socrates — ‘to follow the argument where it leads.’ This implies the right to examine, question, modify or reject traditional ideas and beliefs. Dogma and hypothesis are incompatible, and the concept of an immutable doctrine is repugnant to the spirit of a university. The concern of its scholars is not merely to add and revise facts in relation to an accepted framework, but to be ever examining and modifying the framework itself.”
“Freedom to reason and freedom for disputation on the basis of observation and experiment are the necessary conditions for the advancement of scientific knowledge. A sense of freedom is also necessary for creative work in the arts which, equally with scientific research, is the concern of the university.”
“. . . It is the business of a university to provide that atmosphere which is most conducive to speculation, experiment and creation. (Sa akin ang sukdulang pagdidiin)
Ibagsak ang Neutralismo at Kaputahang Karuwagan sa mga Pamantasan at Akademya sa Kabuuan nito! Ang mga duwag at mga walang paninindigang mga guro at mga propesor ay walang karapatang umiral.
Jose Mario D. De Vega
The Radical
[1] Ayon kay AI, “George Counts’ “Dare the School Build a New Social Order?” (1932) is a foundational manifesto for social reconstructionism in education. Originally presented as three separate speeches to educational associations during the Great Depression, the text challenges educators to move beyond traditional instruction and use schools as a lever for radical social change.” Counted din kaya si Ginoong George Counts bilang “partisan”?
[2] Samantalang sa isa pang kapatid sa akademya na si Propesor Red Don hinggil sa nangyayaring weaponisasyon ng Teacher/Faculty Evaluation ay tumugon ako ng: ang panganib nga po niyan Bishop eh hindi na magtuturo o magpapalawig pa ang propesor o maglilinaw dahil baka may ma-offend – eh balikan at birahin siya sa OTE! Ergo, kailangang itanong ang masakit na katotohanan: nagtuturo pa ba tayo o naghahanapbuhay na lamang! Sa pamoso kong biro, pagpapanggap o nagpapanggap! Sad but true!
Pero katulad din po ng palagi kong sinasabi at isinasabuhay, magtuturo pa din ako ng marapat at makatwiran, kahit na mahirap at mapanganib!
[3] Makatwiran bang palagpasin natin halimbawa ang mali o hindi risonableng posisyon ng ating mag-aaral? Ayon sa artikulo: “Allowing a student’s derogatory or historically false comment to pass unchallenged, for example, is a political choice.” Gayon ba ang tama at wastong gawin ng isang tunay na guro? Ang hayaan ang isang bata na manatili sa kamangmangan at kadiliman? Anong klase siyang guro? Guro ba talaga siya?
[4] Tama, ngunit paano kung ang paniniwala ng isang mag-aaral halimbawa ay kesyo mali ang same-sex marriage, na imoral at malaswa ang premarital sex at okay lang ang political dynasties? Paano ang handling mo dito? Anong “deliberation” ang gagawin mo? Hahayaan mo na lamang ba siya sa mga Jurassic thoughts at mediaeval views niya? O gagamitin mo ang iyong pagkaguro kung ikaw nga ay isang tunay na guro upang maipakita sa kanya ang isang uri ng makabagong pagtingin o makataong pananaw o perspektiba na higit na mapagpalaya at mapagmahal?
[5] Na sadyang kakatwa. Hindi ba nila batid na ang propesyon o misyon ng edukasyon ang pinakamahirap at pinakamapanganib na propesyon sa lahat ng mga propesyon? O baka naman hindi nila alam na sila ay nasa maling larangan?






Leave a Reply